Rocel Siena


Si Rocel ay isang “certified artist” na nagsimulang gumuhit sa mga magazines, komiks at libro sa edad na labing siyam na taon. Kabilang sa kanyang idinibuho ay ang “Oggie”, “Epoy” at “Jessy” na inilathala ng CFA Media Apostolate; ang “Miss Conception” na inilathala naman ng Rex Group of Companies, at ang “Sampung Kwento ni Kuya Natz” na nagawaran ng CMMA (Catholic Mass Media Awards) for Best Children’s Book noong taong 2008.

Kasalukuyan, siya ay abala bilang isang debuhante at disenyador sa iba’t-ibang publishing company, at aktibo ring miyembro ng SKP (Samahang Kartunista ng Pilipinas).  Ang komiks na “Doc Morgan at Mico-Rubio Brothers” ay ang kanyang unang obra bilang Indie komiks.


Portfolio